bc

LOVE, ECHO

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
age gap
goodgirl
confident
heir/heiress
drama
bxb
bisexual
scary
bold
campus
city
highschool
office lady
like
intro-logo
Blurb

Leukemia ang diagnosis ng mga Doktor sa aking sakit. Hindi makapaniwala pero kailangang tanggapin. Naka-confine ako sa Ospital noong araw na iyon nang may biglang lumabas na lalaki mula sa manika. Sigurado pa nga ako sa aking nakita, at sinasabi niyang 2009 daw ngayon, gayong 2019 ang taong kasalukuyan. Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Anong nangyayari sa'yo, Luis? Okay ka lang ba?" Ang tanong sa akin ng aking kaklase na si Bebang. Bahagya akong umiling habang nanghihinang inilalagay ang notebook sa aking bag. "Sa totoo lang Bebang. Masama na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit, basta pakiramdam ko nilalagnat ako, ang sakit ng lalamunan ko at parang nanghihina ang mga buto ko." Ang pag amin ko sa kaibigan ko. Natapos ang aming klase sa araw na ito. Gusto ko ng umuwi sa bahay para makapag pahinga pero parang hindi ko na kayang maglakad. "Namumutla ka nga! Teka nga..." Ang sabi niya at saka niya idinikit ang likod ng palad niya sa aking leeg at saka sa noo. "Putragis! Ang taas ng lagnat mo, Luis! Halika, dalhin kita sa clinic!" Napansin kami ng aming Guro na kakatapos lang mag-klase. Oo nga pala, 1st year high school na ako at kumukuha ng kursong Civil Engineering. Lumapit ang Professor sa amin at saka kami tinanong, "Anong nangyayari Luis?" "Naku, Ma'am! Ang taas po ng lagnat ni Luis! Dadalhin ko po sana siya sa clinic!" Ang sabi ni Bebang. Hinawakan ako ng aming Professor at nang makumpirma niya na nilalagnat ako ay tinulungan niya si Bebang na akayin ako papuntang clinic. Nahihilo na talaga ako, hindi ko na maaninag ng maayos kung saan na ba ang nilalakaran namin. Narinig ko si Bebang na sumisigaw. "Fruta de leche! Nagdudugo ang ilong ni Luis!" Pinilit kong huminga ng malalim at ipinikit ang mata ko. "Kumalma ka, Bebang. Malapit na tayo sa clinic." Mahinang sabi ko kay Bebang. Naramdaman ko na lang na inihihiga ako sa malambot na kama. Sa pagod at sakit ng katawan ko ay nakatulog na ako. Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko ang tila tunog ng isang ambulansya. Tinignan ko ang paligid at nakumpirma ko ngang ambulansiya iyon. Katabi ko si Mama, si Bebang at ang aking Guro. "Anak.. Sige lang, pahinga ka muna. Dito lang ako ha?" Kusang lumabas ang luha ko kaya agad na pinunasan iyon ni Mama gamit ang kanyang panyo. "A-Ang sakit ng katawan ko, Mama.... Hilong-Hilo d-din po ako." Niyakap naman niya ako habang pinapatahan, "Ssshh. Huwag ka mag alala. Papunta na tayong hospital. Dito lang ako ha?" Marahan akong tumango. Naramdaman ko rin sa aking tabi ang paghawak ni Bebang sa aking kamay. Muli akong nakatulog at umaasa na paggising ko ay okay na ang pakiramdam ko. ******* "SIGURADO po ba talaga kayo sa sinasabi niyo? Doc. Wala po kaming kakayahang magpagamot. Mahirap lang po kami! Diyos ko, ano po ba ang nangyayari sa amin?" Iminulat ko ang aking mata nang marinig ko ang boses ni Mama. "Pasensya na po, Misis Romualdez. Base po kasi sa resulta ng laboratory at diagnosis namin kay Luis ay mayroon siyang Acute myelogenous leukemia." "Leukemia po, Doc? Baka po nagkakamali ka! Diyos ko, ang anak ko po!" Mabilis na nagsituluan ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim. "M—Mama.." Napatingin sila sa direksyon ko at agad silang lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobra. "Kamusta anak, may masakit ba? Ano?" Umiling ako, "Wala po ma.. Wala ng masakit sa buto ko, m-medyo nahihilo lang po." Nakita kong tumango-tango ang doktor at saka nagsalita, "Magpagaling ka, Luis. Sige po, Misis Romualdez. Aalis po muna ako." Nang maka-alis ang doktor ay muling nagsalita si Mama. "May narinig ka ba sa pinag uusapan namin kanina ni Doc, anak?" Tumango ako. Muling tumulo ang luha sa pisngi ni Mama. Kaya pinunasan ko iyon gamit ang palad ko. "Uwi na lang po tayo sa bahay, Mama. Hindi na naman po masakit ang katawan ko, eh. Tingnan mo oh." Ang sabi ko sabay stretch sa mga braso ko. Napangiti siya at saka hinalikan ang pisngi ko. "Huwag kang mag-alala, anak. May awa ang diyos sa ating lahat. Tutulungan niya tayo." "Totoo po, nandito lang si God." Ang nakangiting sabi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.9K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
51.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

NINONG III

read
367.6K
bc

NINONG II

read
621.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
257.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook