ANGELICA SANTOS POV Palabas na kami ng ospital kasama si danaya at nate. Pinauna na namin sila itay at inay gawa ng napakadaming reporter sa labas. sa likod kami dumaan habang tulak-tulak ni nate ang wheelchair ko. Hirap pa kasi ako lumakad ng mabilis. Nang sa wakas ay nakarting kami ng sasakyan ay nakahinga kami pare-parehas. " whoo!! Grabe ka sister! Nakakaloka naman yang kasikatan mo! " sabay paypay ni danaya sa sarili niya gamit ang kamay niya. " sira-ulo ka talaga. " natatawang sabi ko sa kaniya. * knock knock! * Agad kaming napalingon kung san nanggaling ang katok! At ito na nga! Merong isang reporter na paulit-ulit na kumakatok! " Ms.santos anong masasabi mo sa bali-balitang binabantayan ka magdamag ni Mr.aiden stewart ng sfab clothing line??? ano nga ba relasyon niyo sa