Kabanata 23.. "RED, mahal kita! Mahal na mahal kita!" dinig niyang bigkas ni Izabel habang yakap siya. Pero biglang may isang boses ang umalingawngaw sa likuran nila.. "Izabel lumayo ka sa lalaking ‘yan!!" nangangalit na boses, isang lalaki na hindi kaanigan ang pagmumukha at agarang hinablot si Izabel sa baraso nito para mabitawasan ko siya. "Red, mahal na mahal kita!! Babalikan kita!!" hiyaw ni Izabel, kitang kita ko ang dalawang mata nito na may mga luhang unti unting mag aalpasan. At ‘di nagtagal biglang may lumabas na sobrang daming usok, kasabay ‘non ang paglaho ni Izabel at ng lalaking humablot sa kaniya. "Izabel!! Izabel!!" hiyaw ko ng malakas sa pangalan nito. Napabalikwas siya sa pag kakatulog. Ramdam niya ang pag uunahan ng tambol ng dibdib niya at gitil gitil na pawis

