Chapter 41

1653 Words

Ayokong paniwalaan ang mga sinabi ni Ingrid ngunit hindi ko maalis sa isip ko ang mga yon. “S-sigurado ka ba diyan, Ingrid?” Nanghihina ang katawan ko ngunit ginawa ko ang makakaya ko para magmukha akong okay at chill sa harapan niya. “Hindi naman ako mag-iimbento, ‘no. Kahit tanungin mo pa si Sera. Siya mismo ang nagsabi sa akin,” wika ni Ingrid sabay subo sa kanyang pagkain. “Ah, ganon ba..” sambit ko. “Bakit? Hindi ka ba pabor sa relationship nila kapag nagkataon?” kunot-noong tanong ni Ingrid habang nagpupunas sa gilid ng kanyang bibig. “H-ha?” nauutal kong wika. Bago ko pa masagot ang kanyang tanong ay may dalawang kamay ang pumatong sa magkabilang balikat ko. “Girls! Bakit hindi niyo naman ako sinabihan na mag-lunch kayo,” wika ni Kiel sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD