NANGGALING ako sa malalim na pagkakatulog kung kaya naman parang ngalay na ngalay ang aking katawan. Naalimpungatan ako at sinubukang tumihaya mula sa patagilid kong higa. Ngunit hindi ako masyadong nakausad dahil sa bultong nakaharang sa likuran ko. Maging ang mabigat na bagay sa’king baywang ay nakakasagabal sa pag-inat ko. Nakangiwing idinilat ko ang aking isang mata. Bahagya pa akong nagulat nang makita ang kalat na liwanag sa’king silid. May pasok pa ako sa trabaho! Ngunit alam kong hindi pa ako late dahil hindi pa tumatama ang sinag ng araw. Nang masanay sa liwanag ay pareho ko nang naidilat ang aking mata. Agad akong napatingin sa’king baywang. Ang mabigat na nakadagan sa’kin ay isang braso. Napatakip ako sa bibig ko. Trying to figure out what happened last night. Binaba ko ang