NATAPOS ang buong araw nila sa mall, tapos na rin silang kumain ng hapunan. Oras na nang tulugan. Hinatid muna nila si Edgar sa kwarto niya at unang nagpaalam si Tiago sa magkapatid, sapagkat tinulungan pa ni Esmeralda na ayusin ang mga gamit niya. “Ate Esme, puntahan mo na si, Uncle Tiago. Okay na ako dito.” Tinataboy nito ang kapatid, sapagkat alam niyang naghihintay ito sa kabilang kuwarto. “Sigurado ka na okay ka lang dito?” Mayroong kaunting pag-alala si Esmeralda sa kapatid niya. “Oo, Ate Esme,” aniya rito. Hanggang sa lumabas na ang dalaga at nagtungo sa kuwarto nila ng ninong niya. Pinindot niya ang doorbell at agad naman na binuksan ni Tiago ang pinto. Pagbungad pa lang ni Esmeralda sa pinto ay sinalubong na siya nang yakap ng ninong niya. “Na-miss kita!” gilalas nito a