PAREHONG napagod ang dalawa, lalo na si Esmeralda, sapagkat nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Napansin iyon ni Tiago, kaya maingat siya nitong binuhat at dinala patungo sa malambot na kama. Nang maibaba niya ito, muli siyang bumalik sa kama at kinuha ang gatas. “Esme, inumin mo muna ito.” Sabay inabot ang baso. “Salamat, ninong.” Agad niya itong ininom, dahil uhaw na uhaw na rin siya. Muli nitong ibinalik sa ninong niya ang baso na walang laman atsaka siya humiga. “Dito muna ako sa tabi mo,” pahayag ni Tiago. Tumabi ito sa inaanak, at pinaunan niya ito sa kanyang makisig na braso. “Nagutom ka ba?” malumanay niyang tanong at hinahaplos-haplos ang buhok nito. “Hindi naman, gusto ko nang matulog,” tugon niya. Halata sa boses nito na pagod nga ang dalaga. “Sige,” maikling turan