NAG-AAGAW na ang liwanag at ang dilim nang kumilos na ang dalawang tauhan ni Haruka. Maingat silang pumasok sa bahay, at naabutan nila ang kamag-anak ni Tiago na nagluluto para sa pagkain ni Esmeralda. Nagulat ito nang makita ang dalawang armadong lalaki. “Sino kayo? Pinadala ba kayo ni Tiago para magbantay dito?!” gulat niyang tanong. “Oo!” tugon ng isang armadong lalaki. Sabay palo nito ulo sa babae. Dahil sa lakas ng pagkapalo nito, ay agad nawalan ng malay ang kamag-anak ni Tiago. “Pasukin mo at dalhin ang babae dito,” utos ng lalaki sa kasamahan. niya. Habang ang nagsasalita ay kasalukuyan niyang hinihila papasok ng kwarto, kung saan maroon si Esmeralda. Lumaki naman ang mga mata ni Esmeralda nang makita niya ang dalawang tauhan ni Haruka. Kilala niya ang mga pagmumukha ng m