NAKAHINGA nang maluwag si Esmeralda, sapagkat hindi sila nasundan. Hanggang sa nakarating sila sa bus terminal. Hindi agad siya sumakay ng bus. Pinag-iisipan muna niya kung uuwi ba siya sa baryo. Nakapag-desisyon siya na sa condo uuwi. Pumara siya ng taxi, at bago siya sumakay, nagpalingon-linga muna siya sa paligid kung meron bang kahina-hinalang tao. Nang matanto niyang wala, saka pa lang siya sumakay. Habang tahimik siyang nakaupo sa likod ng taxi, muling bumalik sa isip niya ang lahat ng mga kaganapan sa bahay ng ninong nito. Hindi niya napigilan ang sarili at kusang pumatak ang mga luha niya. Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib. SAMANTALANG sa bahay ni Tiago, hindi pa rin naging maayos ang mag-asawa. Galit pa rin si Haruka sa kanya. At kung anu-ano na lang ang pinagsasabi n