NAMANGHA si Esmeralda sa ganda ng bahay ng Ninong Tiago niya, halos hindi siya makapaniwala na ganito na pala ito kayaman. “Maganda siguro ang magtrabaho sa barko bilang overseas. Sobrang yaman na kasi, ninong.” Kausap niya ang sarili, medyo nakangiti pa siya. Mataas-taas rin ang ikalawang palapag, sapakat nasa dalawampu ang hakbang paakyat. Huminto na sila sa tapat ng pinto at marahan na kumatok ang katulong. “Sir… nandito na po ang bisita!” pahayag niya. “Papasukin mo!” sigaw nitong utos. “Okay, sir!” Seryoso ang katulong na humarap sa kanya. “Pumasok ka raw!” dagdag pa nito, medyo matigas ang boses niya. Kumunot naman ang noo ni Esmeralda, habang sinusundan niya nang tanaw ang katulong. “Anong nangyari sa babaeng iyon?!” irita niyang tanong sa sarili. Hanggang sa ibinalik