NAPAGKASUNDUAN ni Esmeralda at nanay niya na tapusin lang ang pasukan dahil isang buwan na lang. Para makasama pa niya ang kapatid sa ika-forty-days ng tatay nila. Sumang-ayon agad si Nadia, sapagkat ayaw niyang kontrahin ang kagustuhan ng panganay niyang anak upang hindi ito lalong magalit sa kanya. “Tapos ka na ba?” tanong ni Esmeralda sa ina, seryoso siyang tumingin sa ina. “O—” “Pwede ka nang umalis! Bumalik ka na lang sa susunod na buwan!” Agad tumayo ang dalaga at pumasok sa kwarto niya. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Nadia. Bago siya tumayo ay kumuha siya ng pera mula sa bag niya at inabot niya ito kay Edgar. “Anak, itabi mo ito para sa pang-araw-araw ninyong gastusin dito,” pahayag niya. Ngunit hindi ito tinanggap ng binatilyo, bagkus ti