CHAPTER 3 Kinabukasan, maaga akong gumising dahil plano kong mag-jogging paikot ng village. Nagpalit muna ako ng cycling shorts na kulay itim at pinatungan ng hoodie ang kulay itim kong spaghetti strap sando dahil paniguradong malamig pa sa labas. It's only 5 in the morning at sapat na ang isang oras na jogging para simulan ang araw ko.
Nang masigurong maayos na ang pagkakabuhol ng sintas ng aking sapatos ay kinuha ko na ang susi ng bahay mula sa bedside table ko at dumiretso na hanggang sa labas ng gate. Sinarado ko muna iyong mabuti bago sinimulang maglakad-lakad. Halos sampung minuto din siguro akong naglakad habang nagi-stretch ng mga braso bago sinimulang mag-brisk walking at tuluyan na ngang mag-jog.
Para akong ibon habang nilalanghap ko ang sariwang hanging pang-umaga. Malamig ito pero tama lang para hindi ako masyadong ginawin. Patuloy pa ang pagtakbo ko nang sumagi ang isip ko kay Nathan.
Hindi ko akalaing magiging mabilis lang ang pakikiusap ko sa kanya na bumalik na lamang kami sa dati. Siguro ay masyado lang akong nabigla sa Nathan na nakita ko nung nagkita kami ulit matapos ng ilang taon kaya pakiramdam ko na mahihirapan akong pakitunguhan s'ya. Pero ngayon na nagagawa na ulit naming mag-asaran ay alam kong magiging maayos na rin ang lahat. Although I still couldn't seem to forget the time when he kissed me, other than that, I think we're good.
Sa ngayon kasi, pakiramdam ko si Nathan nalang ang naiwang kaibigan ko na pwede kong makausap ng personal. Because much as I want to talk to my bestfriend Josette, alam kong hindi naman iyon pwede dahil abala rin naman s'ya sa pag-asikaso ng kanyang sariling pamilya. Kaya si Nathan... I want to keep Nathan close enough. I find comfort with the thought na kahit ano mang oras ay may tao akong maaring takbuhan sakaling kailanganin ko ng isa. At alam kong si Nathan iyon. Kahit na madalas, mukha talaga s'yang maloko, pero alam kong maaasahan ko s'ya.
That's the main reason why I couldn't... and wouldn't want to entertain the thought that I once had feelings for him. Dahil kapag inaalala ko iyon, naiilang ako. At hindi iyon makakabuti kung gusto ko talagang maging kaibigan s'ya.
Unrequited love is not good. Never will be good dahil may isang sobrang nasasaktan samantalang ni hindi man lamang alam ng minamahal n'ya na sobrang patay na patay na s'ya dito. Hanggang sa magkasira sila dahil pipilitin ng isa na umiwas kapag umabot sa puntong hindi na n'ya kayang magtago ng nararamdaman.
Napahinto ako nang masilayan ang papasikat na araw, bumuga ako ng hangin bago tiningnan ang wrist watch ko sa kaliwang braso. It's 5 minutes before 6am. Luminga muna ako sa kahabaan ng daan bago napagpasyahang umuwi na. Magluluto pa ako ng breakfast. I didn't hire any maid even if my mother told me so, ang akin lang, wala namang ibang pagsisilbihan iyong iha-hire ko kundi ako lang dahil ako lang naman ang nasa bahay kaya hindi na lang. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko.
Nang malapit na ako sa bahay ay napakunot agad ang noo ko. Agad ko kasing nasilayan si Nathan na nakasandal sa kanyang pick-up habang mukhang nagaabang sa akin. He's wearing khaki shorts and white shirt at mukhang fresh na fresh s'ya ngayong umaga.
Mabilis akong nag-jog palapit sa kanya at nang namalayan n'yang may papalapit ay napatingin s'ya sa gawi ko. Tumuwid s'ya ng tayo at pinamulsa ang isang kamay habang ang isang kamay naman ay may hawak na paper bag.
"Where have you been?" Tanong n'ya nang tuluyan na akong makalapit.
"Jogging." Sagot ko naman at kinuha sa pasong pinagtaguan ko ang susi ng bahay saka binuksan ang gate.
"You know you shouldn't hide your keys in those pots." Pansin n'ya pero hindi ko iyon sinagot. Gumilid ako sa gate tanda na pinapapasok ko na s'ya kaya sumunod naman s'ya bago ko ni-lock ang pinto.
"Ang aga mo yata?" Sabi ko nang nasa loob na kami ng bahay at s'ya naman ay umupo sa sofa habang ang paper bag na hawak kanina ay ipinatong sa center table.
"Don't have any plans today so I just thought I'd come here. May pupuntahan ka ba?" Tanong n'ya at halos matawa ako dahil halata sa mata n'ya na gusto n'yang sumagot ako ng 'wala.'
Umiling ako bago umupo sa katapat n'ya at inalis ang sintas ng aking sapatos.
"Saan naman ako pupunta?" Balik tanong ko sa kanya and he leaned his head to one side.
"Ewan ko sa'yo. Anyway, why didn't you tell me yesterday na magja-jogging ka pala ngayon?" Tanong n'ya, may bahid ng pagkairita sa boses at imbes na mairita din ako sa paraan ng pagkakatanong n'ya ay nacute-an pa ako. Weird.
"E hindi ko naman kasi alam nung magkasama tayo. Naisipan ko lang kagabi kaya nag-alarm ko para magising ng maaga." Sabi ko nalang.
"Kahit na. You should've told me. I remember I haven't been hitting the gym for 2 weeks now." Sabi n'ya at pakiramdam ko ay magtatalo lang kami kapag nag-rason pa ako kaya iniba ko nalang ang usapan.
"Ano pala 'yang dala mo?" Tukoy ko sa paper bag at napatingin din doon si Nathan.
"Just ingredients for garlic pasta and some snacks." Sagot n'ya at napatawa na talaga ako.
"Whoah! Ano'ng meron? Don't tell me gagawin mo na naman akong cook? Aba Nathan, hindi mo ako pinapasweldo pero ginagawa mo na akong personal maid mo!" Tawa ko pero inirapan lang n'ya ako pero kita ko ang ngiti na sinusubukan n'yang pigilan.
"Nagrereklamo ka? Kung ayaw mo, edi wag! Aalis na lang ako." Sabi n'ya at ambang tatayo kaya mabilis ko s'yang pinigilan. Nakayapak na lang ako ngayon.
"Wag na! Ikaw naman, di na mabiro. Para saan ba 'tong pasta'ng lulutuin ko?" Tanong ko pero nakatingin s'ya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Napatingin din ako doon at nang ma-realize kong masyado rin kaming magkadikit ay parang napapaso ko s'yang binitawan. Kita ko agad ang pagngisi ni Nathan na s'ya namang ikinairap ko.
"Movie marathon. Marami akong biniling dvds. Nood na lang tayo." Sabi ni Nathan at ilang segundo bago ako nakasagot at tumango.
"Okay. Uhm, maliligo lang ako." Sabi ko sa kanya at nagmamadali nang pumanik sa aking kwarto bitbit ang rubber shoes ko na s'ya ko namang ibinato lang sa shoe cabinet ko nang makapasok na doon.
Mabilis lamang akong naligo pagkatapos ay mabilis ding ginawa ang ritwal ko. Para akong hinahabol ng kabayo habang nagpapahid ng lotion sa katawan at cream sa mukha. Hindi na ako naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha, baby powder will do for now. Mabilis akong nagpulbos saka nagdamit. I chose a white spaghetti strap top at coton short shorts na kulay pink. Pagkatapos noon ay nagsuot na lamang ako ng tsinelas at hinablot ang suklay mula sa aking vanity.
"Halos makatulog na ako sa-" napahinto si Nathan sa pagsasalita nang makita ako.
"Sorry naman, ha? Kailangan ko kasing maligo at hiyang hiya naman ako sa'yo." Sabi ko saka lumakad na patungo sa kanya. Hindi pa rin s'ya nagsasalita kaya tiningnan ko na s'ya ng maayos and I caught him staring down my legs. Bigla tuloy akong na-conscious.
"H-hoy Nathan, ano ba yang tinitingnan mo?" Sagot ko, kunwaring hindi pansin na nahuli ko s'yang nakatingin sa legs ko.
"W-what? Uhh..."
"Okay ka lang ba?"
"Wala ka bang pajama? Bakit ba ganyan ang suot mo?" Diretso n'yang puna kaya pinamulahan na talaga ako. Akala ko hindi n'ya ako didiretsuhin, but yeah. Knowing Nathan, this man is always straight freaking forward.
"B-bakit? Ano'ng masama sa suot ko?" I tried to hide my shame but Nathan only shook his head.
"Alice, if you're trying to seduce me, all you have to do is say so!" Sabi ni Nathan at hindi ako makapaniwalang nasabi n'ya iyon. Nanlaki ang aking mga mata at halos magtatakbo ako pabalik ng aking kwarto.
"What the f**k-"
"Don't talk dirty to me now, woman. Change your clothes. I won't watch movies with you wearing those clothes!"
"W-what?! Nathan, ano bang problema mo? Usual na damit ko ito!"
"Just change your clothes now, Alice! Damn it!" Mura n'ya at nagiwas ng tingin sa akin. Napansin ko ding kumuha s'ya ng throw pillow ay nilagay iyon sa kandungan n'ya. Naweirduhan man ay hindi na lang ako nagsalita at saka bumubulong na umakyat muli sa aking kwarto at naghagilap ng pajama. Naiinis na pinalitan ko ang aking komportableng shorts para suotin iyon saka mabilis ding bumaba matapos ibalibag pasara ang pinto ng aking kwarto.
"You fine with this now?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko. Saglit lang n'ya akong sinulyapan bago n'ya kinuha ang remote ng aming TV at nanood na lamang doon.
Bumuntong hininga na lamang ako bago ko kinuha ang paper bag saka pumunta na ng kusina. Bago pa ako mainis ng tuluyan ay pinalis ko na lang ang sagutan namin ni Nathan mula sa aking isipan saka nagsimulang magluto ng garlic pasta. Mabilis lang namang lutuin iyon kaya in 30 minutes ay natapos na rin ako. And since I like multi-tasking around the kitchen ay nakapagtimpla na rin ako ng juice at nakapag-saing sakaling gusto n'yang kumain ng kanin.
"Gusto mo na bang kumain?" Tanong ko nang sumulyap ako sa sala pero naabutan ko s'yang nakapikit. Mukhang natutulog kaya nilapitan ko. Kung sabagay, maaga s'yang pumunta dito.
"Nathan?" Tawag ko ulit pero hindi s'ya sumagot. Nakahilig ang ulo n'ya sa sandalan ng sofa habang hawak pa rin ng isang kamay ang remote. Hindi ko mawari kung tulog ba s'ya o ano kaya umupo na lamang ako sa tabi n'ya. Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang gwapong mukha. Ang mahabang pilik-mata, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha.
Biglang kumabog ang dibdib ko at napalunok ako nang bumaba ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi. Damn Alice, what the hell are you doing?
Bago pa ako makapag-react sa tinatakbo ng aking isip ay namilog na agad ang aking mga mata ng dumilat si Nathan at tinitigan ako ng kanyang mabibigat na mga mata.
Halos mataranta ako nang mahuli n'ya ako. Pero hindi, hindi ba at tulog s'ya? So he shouldn't know what I was doing. Pinilit ko na lamang tumikhim kahit na pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa aking lalamunan at saka nagsalita.
"I... I thought you were sleeping so-"
"Staring is bad, Alice. Baka mahulog ka." Nathan said and I almost ran away when I realized he's been awake the whole time.