Kabanata - 1

2560 Words
Kabanata – 1 BIANCA “ISANG libo? Ginawa ko yung best ko tapos isang libo lang? Isusumbong kita kay Mamu ha! Para ma-ban ka sa pagpasok sa Venus,” inis na inis akong nagsuot muli ng mga costume kong nagkalat sa sahig ng motel na aming ginawang palaruan kani-kanina lamang. Kasama kong pumasok dito ang customer na akala ko ay big time dahil mukhang mayaman dahil sa kanyang mga pormahan. Sinabi naman kasi ni Mamu ay mukhang madatung ang isang ito tapos isang libo lang ang ibibigay niya. Kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana ako nang mapalingon pa ako sa kanya. “Anong nginingisi- ngisi mo diyan? Gusto mong isampal ko sayo yung isang libo mo?” naiinis kong wika. Ngumisi siyang muli. Gwapo sana kaso walang pera. So, aanhin ko ang kagwapuhan niya. “Kilala mo ba mister, kung sino ang itinake out mo? Ako lang naman ng Star ng Venus Club. Kumbaga, ako ang pinipilahan ng lahat. Tapos isang libo lang? Oh heto, sayong sayo na,” dinukot ko pa sa bra ko ang isang libo at isinampal sa dibdib niyang may tattoo pa ng bungo. Ang sarap niyang gawing bungo na lang. Naka-brief lang siya ng puti habang naninigarilyo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ako. “Akala mo kasi, iyan lang ang ibinigay ko sayo,” idinantay niya ang pareho niyang matitipunong mga braso sa kama at saka ngumiti ng ubod ng tamis sa akin. Ano naman ang pinagsasasabi niya? Maya maya ay kinuha niya ang cellphone niya mula sa kama at may tinawagan. Naglakad na ako patungo sa pintuan nang magsalita siya. “Mamu, naideposit mo na ba sa account ni Sampaguita? Sampaguita ang pangalan ko sa bar na iyon at napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya. “Okay. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Inaaway ako matapos kong bigyan ng sapat na ayuda,” nakangiti pa siya habang nakatingin sa akin. Ha? Si Mamu ba ang kausap niya? Anong nadeposit sa account ko? May hindi ba ako nalalaman? Nakatayo pa rin ako sa may pintuan at hawak pa rin ang door knob. “Oh, akala ko aalis ka na?” tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa may balikat ko at tinignan ko lamang iyon. Matangkad siya ng mga walong pulgada sa akin kaya naman napapaangat talaga ako ng tingin kapag tinitingnan ko siya. Yung gupit niya parang pulis ang dating. Teka, sa mga pormahan niya kanina ay mukha siyang pulis. Tapos sa private room pa kami nagkita. Siguro nga yayamanin talaga ito. Kaso isang libo lang kung magbigay. “Hindi naman kita pipigilan kung gusto mo nang umalis. Pero baka maisipan mong bumalik mamaya kung makikita mo ang sorpresa ko sayo,” patuloy lang ang paglalakbay ng mga daliri niya sa makinis kong braso hanggang sa balikat. “Kokontakin na lang kita. Nasa akin naman ang number mo, boss. Bye,” pinihit ko na ang doorknob at saka tuluyang lumabas. Room 18. Iyon ang nakasulat sa silid na pinasukan ko at nandoon pa ang lalaking nagbook ng 8 hours. Natitiyak kong halos dalawang oras pa lamang kaming nandoon kaya alam kong hindi niya nasulit ang bayad. Sabagay, mukha naman siyang rich, kaso kori. Nagring ang phone ko. Kaya naman dinukot ko iyon sa aking bag. Napahinto ako sa medyo madilim na pasilyo ng motel. Ala-una pa lang ng madaling araw at sa mga ganitong oras sana ay nasa bar pa ako. “Hello Mamu, anong klaseng customer naman yung…,” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil agad siyang sumingit sa akin. “Nakapagdeposit na ako ng fifteen thousand sa bank account mo bruha. Sana ginalingan mo ang performance mo diyan sa fafa na iyan. Pogi na, madatung pa. Mukhang gusto niyang ipareserve ka na,” napalingon ako sa Room 18 kung saan naroon pa ang lalaking nagbigay ng fifteen thousand sa akin. Gosh. Ibang klase palang magbigay iyon. “Kung ako sayo bruha ka, huwag ka nang umarte pa. Pogi na iyang fafa, mapera pa, at sure ako diyan na daks pa. Nasaan ka na ba? Tapos na ba kayo? Bakit siya tumawag agad sa akin?” sunud sunod na katanungan niya. “P-paalis pa lang ako ng kwarto Mamu,” nauutal kong wika habang nakatingin pa rin sa aking pinanggalingan. “Gaga ka. Mag enjoy ka diyan. Ayaw mo pa niyan, mapapaaga ang rest time mo. Kung ayaw mo naman magpachuk-chak kay fafa, matulog na lang kayong dalawa. Baka bigyan ka pa ng extra,” payo niya. Tama. Pambayad na rin ng kuryente yung extra kung sakali. Kaya naman naglakas loob akong maglakad pabalik. “Sige Mamu. Pakisabi kay Rosas mauna na siyang umuwi. Dito na muna ako hanggang mamayang mag-umaga,” “Abah, sinusulit ha? Sige, good luck. Pasalubong ko ha?” “Sure. Yung brief na gamit niya gusto mo?” natatawa ko pang suggestion sa kanya. “Wow, kaya mong iyuwi for me?” “Kakayanin ko for you Mamu,” “Inuuto mo lang ako gaga. Tupayb na nga lang ang akin sa kita mo tonight,” “Marami ka namang pera,” “Hmp. Kaya I demand pasalubong,” “Oo na. See you later. Bye na,” “Bye,” Ibinaba ko na ang tawag at saka iyon inilagay sa loob ng bag ko. Nasa tapat na ako ng room 18 at huminga muna ako ng malalim bago kumatok ulit. Nakatatlong katok pa ako nang marinig ko siyang magsalita. “Bukas iyan,” Ineexpect niya ba akong babalik? Pinihit ko ang doorknob at dahan dahan itong binuksan. Nakita ko siyang prenteng nakahiga sa kama at nakatingin lamang sa akin. “Hi, ako nga pala si Charles,” bungad niya sa akin. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. “Hi,” alangan kong bati sa kanya. “At dahil bumalik ka, gusto ko sanang makilala ka pa, dito sa kama,” sumeryoso ang tingin niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Binitawan ko na ang bag ko sa sahig at saka nagsara ng pinto at agad nang nagtungo sa kama kung saan ang-aabang ang lalaking nagbigay sa akin ng malaking pera. Ang huli kong naalala ay nanginginig ako sa ibaba niya habang siya ay habol habaol ang kanyang hininga at nakadagan sa akin ang pawisang katawan niya. “NAKA-JOCKPOT ka kagabi girl ha?” wika ni Rosas habang nakaupo kaming pareho at nakaharap sa salamin habang inaayos ang aming mga hitsura. Alas nuwebe na naman ng gabi at balik trabaho na naman kami. Kasama ko si Rosas sa Venus Club at pareho kaming pinipilahan sa club na ito. Mas matagal nga lang ako sa kanya ng ilang buwan. Tatlong taon na rin ako sa club na ito kaya naman master na master ko na ang work na ito. Judge me, pero walang magagawa ang pang-jajudge niyo kapag nagutom ang pamilya ko. Kung sana nga nakapagtapos ako ng pag-aaral, e di nakapagtrabaho ako ng maayos. Kaso, mahirap kami at boba pa ako kaya useless din lang. “Sana nga bumalik pa siya tonight. Para naman kumita pa ako ng bongga,” sabi ko pa habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. “Day off mo ngayon diba?” “Sinong magde-day off kung nakikita mong nangangailangan ang parents at mga kapatid mo? Sige nga,” “Sabi ko naman sayo diba, magjowa ka na ng ma-anda, para naman makaalis ka na dito,” sabi pa ni Rosas. “Para solo mo na ang trono, ganun ba?” nilingon ko siya. “Hindi naman. Ako nga, kung may makita lang na maayos na work at malaking kita aalis na ako dito. Nalolosyang na ako dito,” aniya. “Huwag mo kasing hayaan na ikaw lang ang nagpeperform. Dapat sila rin,” “Paano kung yung customer gusto lang humilata,” “Hayaan mo siya. Iwanan mo pag ganun,” “Sayang ang anda ate,” “Sus, marami ka namang suki,” “Alangan namang lima lima kada gabi,” “Keri mo naman diba,” “Wittt,” tumawa pa siya. Ganito kami mag-usap lagi ni Rosas. May mga sentimyento kami lagi sa buhay na ginagawa na lang naming dahilan para tumawa. M – W – F- Slang ako sa Venus Club at si Rosas ay M-T-F - S. Kaya naman tatlong beses kaming magkasama sa work. Pero sa mga araw na walang trabaho ay madalas kaming nagkikita sa kanto ng aming barangay. Magkalapit lang kasi kami ng tirahan na parehong nasa Rosario, isang barangay sa Sinugong Lupa. Katulad ko ay kapos din talaga siya kaya naman ginamit na lang naming dalawa ang angkin naming kagandahan para kumita. “Girls, ready na ba kayo?” tumunog ang wind chime mula sa pintuan ng silid at pumasok mula doon si Mamu Donita, ang may-ari ng club at siyang nagmamanage sa aming dalawa ni Rosas at iba pang mga girls. “Five minutes Mamu,” nagretouch na kaming dalawa. “Okay, don’t rush. Maya-maya pa naman kayong dalawa. Anyway Sampaguita, alam ni fafa Charles ang schedule mo, sinabi ko sa kanya. Kaya magtataka iyon kung sasabihin kong pumasok ka ngayong Martes,” nasa likuran ko siya at nakatingin siya sa akin mula sa salamin. “Huwag mo nang sabihin sa kanya na pumasok ako Mamu. Magkikita naman kami bukas,” sabi ko pa. “Bongga ka ha? Hooyy, may nakita akong fafa sa labas kanina. Mukhang yayamanin din ha? So, Rosas, alam mo na. Huwag hayaang si Sampaguita lang ang may fafa. Laban girl,” “Don’t worry Mamu, bobonggahan ko ang eksena. Spottan mo na agad Mamu, tapos ituro mo ako,” sabad ni Rosas. “Oh siya, sige na at bibisitahin ko ang mga garapata,” Halos magkasabay pa kaming natawa ni Rosas nang marinig ito. Garapata ang tawag ni Mamu Donita sa mga kasamahan naming girls sa club. Ewan ko kung bakit pero iyon ang tawag niya sa kanila. So, nagstart na ang show. Naririnig ko ang palakpakan ng mga kalalakihan sa bar at ang kanilang mga hiyawan nang magbukas na ang entablado. Last part naman kami ni Rosas kaya maya maya pa kami lalabas. Halos tatlong oras din talaga nagaganap ang mga sayaw at kantahan sa club na ito kaya naman ang ending ay inuman with customers pagkatapos. Ang mga nangyayari sa club ay nagsisimula sa opening dance number ng mga girls, minsan kasama kami at minsan naman ay hindi. Tapos susundan ng group dancers, yun bang mang-aakit lang tapos wala na. And then may kakanta, tapos sasayaw ulit. Puro lang ganyan at walang mga kakwenta kwentang dance steps kaya kahit parehong kaliwa ang paa basta maganda at makinis pa, mabebenta ka ng bonggang bongga. At nagsimula na nga ang show dahil walang humpay ang sigawan ng mga hunghang sa labas. Mas malakas pa nga yata ito sa tugtog ng club. Nasa mga 30-50 katao lang ang capacity ng club kaya naman piling pili lang din ang nakakapasok. Yung mga sure na may ipambabayad at madatung. Ilang saglit pa ay kami na ang sumalang. Laging Careless Whisper ang tunog kapag kami na ni Rosas ang lumalabas sa entablado. Patay ang mga ilaw at tanging spotlight lamang ang nakatuon sa aming pwesto kapag lumalabas na kami mula sa likod ng entablado. At nang magbukas ang ilaw ng disco light sa stage ay saka naman nagbukas ang malamlam na liwanag sa audience at halos kita ko ang lahat ng nasa loob. Dahan dahan akong lumapit sa harapan kung saan nandoon ang isang pole at doon ay ibinigay ko ang best kong mang-akit ng mga may malalaking anda. Naiwan si Rosas sa likod dahil laging ako ang una sa pole. Tig-dalawang minuto kaming sasayaw sa harapan at saka kami magsasabay na babalik pagkatapos ng kanya kanyang exposure. Kumikinang ang damit kong gold at siya naman ay red. Puno rin ng palamuti an gaming katawan. Mga hikaw, kwintas at porselas. Nang malapit ng matapos ang portion naming dalawa ay pinagmasdan ko ang paligid. Wala nga talagang Charles na dumating. Siguro may work. Pero sa kalilibot ng aking mga mata ay may napansin ako sa kanang bahagi ng club. Nakatayo siya at nakapamulsa. Nakasuot siya ng itim na polo shirt at blue na maong. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin at alam kong sa akin ito at hindi kay Rosas. Sa una ay parang nakakatakot ang tingin niya ngunit habang mas tumatagal ay parang ako ang naaakit sa mga titig niyang iyon. May kakaiba sa kanya. Inalis ko ng panandalian ang tingin ko sa kanya at naghanap ng makikita ng aking mga mata. “Nasaan kaya yung sinasabi ni Mamu?” mahinang wika ni Rosas habang sabay kaming sumasayaw sa saliw ng mapang-akit ding tugtugin. “Hindi ko alam pero mukhang hindi ako makakita ng madatung sis,” mahina din ang boses ko. Tutok na tutok ang lahat sa amin habang nagsasayaw kami at nang malapit nang matapos ay saka ako ulit tumingin sa kinaroroonan ng lalaki. Tumingin siyang muli na parang hinahalungkat ang buong pagkatao ko. Parang nakita ko na siya dati. Pero hindi ko alam kung saan at kailan. Pero panandalian lamang iyon dahil naglakad na siya paalis sa pwesto niya. Nang matapos na ang tugtugin ay sabay na rin kaming umalis ni Rosas sa entablado. Dito na magtatapos ang show at susundan na ito ng pagtetable ng mga babae. Kaya naman kanya kanya na kaming pagpeprepare ni Rosas sa aming silid. “Girl, may makaka-afford kaya sa atin ngayon?” aniya. “Bakit naman wala?” “Malay mo matumal,” “Meron iyan,” Maya maya ay pumasok si Mamu sa kwarto. “Rosas, sold ka na,” bungad niya. “Yyyaayyy. Bye sis. Wish me luck,” “Lock,” sabay irap at ngiti ko sa kanya. “Bitter,” sigaw niya pa. “Doon ka sa private room number one bruha,” sigaw ni Mamu bago makalabas si Rosas. “Sa akin ba Mamu, wala pa? Ang kumuha ba kay Rosas ay iyong sinasabi mo kanina?” magkasunod na tanong ko. “Hindi eh. Hindi pa siya nakakadecide,” naupo siya sa tabi ko. “Baka naman tengga ako tonight,” sabi ko pa habang nakatingin lang sa salamin. “Hindi iyan. Oh siya sige, babalikan kita kapag may benta na,” tumayo siya at umalis na sa silid. Nanumbalik sa isipan ko ang lalaking nakatayo kanina sa labas. Para talagang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang maalala kung saan. Kung makatingin kasi siya ay parang kilala niya ako kaya naman nararamdaman ko ring kilala ko siya. Naglalaro lang ako ng candy crush habang naghihintay sa tawag ni Mamu Donita. “Bruha, benta ka na kaagad,” nagmamadaling pumasok si Mamu kaya naman nagulat pa ako. Agad akong tumingin sa salamin at inayos ang hitsura ko. “Baka naman gurang iyan Mamu,” sabi ko pa. “No,” “Baka kuripot,” “No,” “So ano siya?” “May down payment na kaagd. 10K meme,” sabi pa niya. “Agad? Wow, galante,” excited pa ako sa sinabi niya. “Dalian mo na at baka mainip siya,” “Sure. Saan ba yan Mamu?” “Sa Private Room number 05,” “Gora na ako. Bye,” paalam ko sa kanya. Confident na confident akong naglakad papuntang Private Room number 05. Papalapit na ako at saka ako huminga ng malalim bago ko buksan ito. “Good evening sir,” sobrang ngiti ako at agad kong nabawi ito nang makita kung sino ang nakaabang sa akin sa mahaba at puting sofa sa loob. Nakadekwatro pa siya ng kanyang mga paa habang may hawak na beer ang kanang kamay at nakasandal naman ang isa sa sofa. Nakasuot siya ng itim na polo shirt at blue na maong. Shocks. Siya yung kanina. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin saka niya inilapag ang hawak na beer sa round table sa harapan niya. “Ilock mo ang pinto at lumapit ka dito,” utos niya. Agad ko namang binawi ang confidence kong biglang bumaba. “Sure sir,” ngumiti pa ako at saka iyon inilock. Agad na rin akong lumapit sa kanya at medyo naiilang pa ako kaya naman hindi ako makatingin sa kanyta. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa balikat ko at saka niya ako mas inilapit sa kanya. Maya maya ay nadama ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko dahil sa mga bulong niya. “Matagal na kitang pinagmamasdan at ngayon lang kita nalapitan. Hindi moa lam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon ko habang pinagtatyagaan ko lang na tingnanka sa malayo,” Yung boses niya, ang sarap sa tenga. Ang sexy. “So, swerte ka ngayon at nabili mo ako for one night,” hinawi ko pa ang buhok ko. “Hindi lang ngayong gabi, gagabi-gabihin kita,” Nagulat pa ako nang bigla niyang kagatin ang panga ko at doon ay nakadama ako ng kakaibang kiliti na hatid ng marahan niyang pagkagat at ng mainit niyang hininga. Napapikit na lang ako. “Bianca, sumama ka sa akin at paliligayahin kita,” wika pa niya. Bakit niya ako kilala? Sino ba siya? Katapusan ng Unang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD