Kabanata XXII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. BIANCA KILALA KO siya at imposibleng magkamali ako sa aking pagkakaalam dahil tandang tanda ko kung ano ang kanyang hitsura sa tuwing dumadalaw siya sa bahay dati. Hindi ako maaaring magkamali sapagkat hindi siya nagbago sa kanyang hitsura. "Inang Lisa, nakakamiss ka naman. Hindi ka man lang nagsabi sa amin na ngayon na pala ang dating mo. Hindi kami nakapaghanda sa araw na ito," nakangiting bati ni Ma'am Gretchen. "Naku, hindi naman kailangan iyon hija," masayang tugon nito. "Inang Lisa, mabuti naman at ligtas kang nakauwi dito. Matagal din tayong hindi nagkita," yumakap pa si Crisanto sa kany