LABIS labis ang saya ko, hindi ko maipaliwanag sa sobrang saya dahil sa anak ko. Hindi ako makapaniwala na matapos ang mahigit isang taon ay makikita ko pa muli ang mahal kong anak. Buhay na buhay pala, hindi ako nananaginip lang. Ito na yata ang pinakamasayang pangyayari na nangyari sa buhay ko; ang mayakap at makapiling muli ang anak ko. Iniwan ko na ang mga classmates ko at sumama ako sa mag-ama ko. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang anak ko na ngayo'y napapahikab na habang nakaupo at may nakakabit na seatbelt; lulan na kami ng tumatakbong sasakyan, si Vince ang nagmamaneho at nakaupo naman kami sa backseat ng anak ko. Kinalimutan ko muna ang sama ng loob ko sa kanya dahil masaya ako ngayon sa anak namin. Sa buong biyahe ay nanatili ang tingin ko sa anak ko, pero