HALOS hindi na ako makakilos ng mabuti habang nakaupo sa harap ng dining table na puno ng mga pagkain, at katabi ko si Eros. Nasa kabila naman nakaupo ang kanyang tito paharap sa amin at pinagmamasdan kami, o tamang sabihin ako, dahil pansin ko mula sa dulo ng mga mata ko na nakatitig ito sa akin. In fairness, ang guwapo niya pala talaga. Para siyang Italian model, napaka-manly at attractive ng kanyang mukha; matangos na ilong, makapal na kilay, maganda ang hubog ng mukha, attractive lips, perfect jawline, and beautiful brown eyes; with his stunning messy hairstyle, medyo kulot ng konti ang dulo ng kanyang buhok na medyo brown ng konti ang kulay. Parang pinagpapawisan tuloy ang mga kamay ko. Nakakailang, nakakakaba, at nakakatakot kung makatitig siya sa akin. Nakikilala niya kaya ako? Pe