DAHIL late na rin ako sa school ay naisip kong huwag na munang pumasok at mamaya na lang sa hapon. Kaya naman dumiretso na lang kami ni Vince sa hacienda ni Lolo. Pero pagdating namin ay hindi ko inaasahan na naroon din si Kuya Daniel at grandparents nito. Nakaupo sila sa living room kasama si Lolo. At lahat ng tingin nila ay napunta sa amin ni Vince, sa anak namin, hanggang sa bumaba sa magkahawak naming mga kamay. Pansin ko ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ng grandparents ni Kuya Daniel. Hanggang sa tumikim si Lolo na parang hindi naman nagulat kahit nakita ang magkahawak naming kamay ni Vince o ang batang kasama namin. “Maupo kayong dalawa at sabihin kung ano ang gusto niyong sabihin,” maawtoridad na wika ni Lolo sa amin. Lumapit naman ang pinsan kong si Kuya Lance at kinuha muna