PINILIT kong tumakas pero talagang napakaraming bantay sa mansyon; may mga katulong na pakalat-kalat, bodyguard na sunod nang sunod, at mga security guard na ang tatalas ng mga mata at pandinig. Hindi lang 'yun dahil napapaligiran pa ng mga CCTV ang buong mansyon, mapalabas o loob man ay mga CCTV. Kaya ang ending, hindi ako nakasama kay Eros sa balak na pagsundo sa tito nito sa airport. Excited pa naman ako dahil ipapakilala niya raw ako bilang girlfriend niya, pero hindi naman pala ako makakasama. Nakakainis lang. Gayunpaman ay naintindihan pa rin naman ako ng boyfriend ko. Pero kung tutuusin ay puwede naman akong lumabas, papayagan naman ako kung magpapalam ako, 'yun nga lang ay may kasama akong bodyguard, kailangan kasama kahit saan ako magpunta. At hindi ko naman sila puwedeng isama