JAM POV. INAASAHAN ko na hindi magtatagal ay malalaman ni Aji ang katotohanan. Kaya hinanda ko na ang aking sarili sa maaaring mangyari sa aming dalawa. Ngunit hindi ko maaaring sundin ang kanyang kagustuhan. Hindi dahil ayaw kong malaman niya agad ngayon ang katotohanan. Sapagkat hindi ko pa totally nakukuha ang posisyon bilang chairman. Hindi ko sa minamaliit ang kakayahan ng aking asawa. Subalit hindi siya qualified maging chairman ng buong corporation. Masyado siyang weak at inosente sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Lalong higit ay ang vice presedent. Sang ayon sa pamamalakad ng matandang yon ang halos 38% sa mga tauhan. Isa pa siguradong hindi kakayanin ng aking asawa kapag nalaman niyang patay na rin ang tunay niya ama. Tama na ang isang beses akong nawalan ng asawa at wala