ANJA INGRID POV. SA aking pagmamadali na makaalis ng Sorsogon ay hindi ko na halos namalayan na naroon na ako sa domestic aiport. At dahil wala akong ibang dala maliban sa aking shoulder bag ay agad akong nakapasok sa loob ng Airport. Ngunit napakunot noo ako ng naroon na sa loob. Hinanap ko ang check in area ngunit hindi ko makita. Kaya naman pala ay sa arrival area ako napapunta. May pagmamadaling lumabas ako upang muling sumakay at magtungo sa departure. Nang mabangga ako sa isang lalaki at kundi niya ako nahawakan ay baka napalupasay ako sa sahig. “Hipag! anong ginagawa mo rito at sinong susunduin mo?” “Z-Zach, ahm… w-wala namali lang ako dapat doon ako sa departure.” “Why? Aalis ka?” “Y-Yeah, a-ano kasi may mahalaga akong aasikasuhin.” “Can we talk, kung hindi ka naman nagmamada