JAM POV. HINDI ko na nararamdaman kung nagkakasugat sugat na ang aking magkabilang kamao. Dahil sa ginagawa kong paulit-ulit na magsuntok sa dalawang lalaking ngayon ay nakatali sa magkabilang bangko. Walang pagkakaiba ang paraan ng pagkakatali nilang dalawa sa ginawa ng mga ito sa akin a year ago. Nakasuot ako ng maskara upang hindi nila ako makilala. At ang kaibigan ko ay nakapanood lamang sa aking ginagawa. Nakasuot din siya ng maskara na kagaya ko. Ayaw ko sana siyang pasamahin ngunit hindi na siya pumayag. Kaya ngayon ay heto at siya ang napapangiwi sa tuwing tumatama ang suntok at sipa ko sa dalawa. Nang matapos ako ay mabilis akong nag-send ng mensahe gamit ang cellphone ko. Pagakatapos ay umalis na kami ng kaibigan ko. The next day…. Laman ng mga balita ang dalawang lalaking