=LOGAN= MASAYA ako habang pinapanood ko ang laro ng aking mahal. Talagang magaling siya kaya naman ay sobrang proud ako sa kanya. Nang matapos ang laro at siya pa rin ang gold medalist ay napatalon pa ako dito sa loob ng opisina. Kaya naman ay nananatili akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya. Subalit nakaramdam ako ng takot ng makita kong bigla siyang natumba. Mabuti at nasalo siya ni Mr. Kelly, subalit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang maputla niyang mukha. At nang lumaylay ang kanyang mga kamay ay doon na ako nilukuban ng matinding takot. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang aking sarili kung bakit wala ako ngayon sa kanyang tabi. Kaya ng mawala sa camera si Julia ay halos manginig ang aking mga kamay sa pagda-dial. “Daddy, uuwi po ako ng Pilipinas ngayon din dahil ma