=ELLENA= HALO halo ang emosyon ko nang marinig ang mga pahayag ni Sir Loki. Ang kaba sa aking dibdib ay unti-unting napapalitan ng galit. Kaya pala familiar sa akin ang init ng katawan niya at ang kanyang pabango. Iyon naman pala ay isang tao lang ang may gamit. At kaya pala ng mag-search ako ay limited ang pabango na yon. Ang buong akala ko ay nagkataon lang na may kapareho. Ang isa pang nakakainis ay matagal na niyang alam kong sino talaga ako. At kaya pala inalok niya ako ng malaking halaga sa private live show. Yon pala ay nakaplanong lahat. Ngayon ko lang din naalala na pinakialaman niya ang cellphone ko noong naroon kami sa restaurant. Kaya naman pala ay biglang may pinoy sa private chatroom ko. Gusto kong maiyak nang marinig sa kanyang bibig na mahal raw niya ako. Ngayon na kila