=LOGAN= MAKALIPAS ang dalawang linggo ay kasama ko ang parents ko patungo sa bahay ni Julia. Gano’n din ang aking mga kapatid at ibang pinsan. Hindi ko ito ipinaalam sa kanya dahil gusto kong ma-surprise siya. Bali limang sasakyan kami kasama ang ibang mga bodyguard. Kaya ng huminto kami sa tapat ng bahay nila Julia ay naglabasan ang mga kapitbahay nila. Ang iba doon ay kilala ko na at agad na bumati sa akin. Pagkatapos ay nakita kong sumilip sa bintana si Papa Pepito, kaya kumaway ako sa kanya. Nakita kong nawala siya siguro ay pababa na upang salubungin kami. At maya maya nga ay lumabas na siya ng bahay. “Logan, hindi ka nagpasabi na darating kayo?” “Balae, magandang araw pasensya na kung hindi yata kayo na-inform nitong anak namin. Ang gusto raw niya ay ma-surprise kayong lahat." "