=LOGAN= UMIIGTING ang aking panga habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa aking tapat. Nakikipag titigan pa talaga siya sa akin. “Ano Logan Montemayor, hindi mo inaasahan ang pasabog ko?” “Do you think na may pakialam ako sa pasabog na sinasabi mo?” “Wala ba kaya pala mabilis mong naitago ang na buntis mong babae?” “Bakit ko siya itatago sa kagaya mo ano naman ang dahilan. Siguro iniisip mong nasa pangangalaga na siya ng mga taong inutusan mo ano?” “Wala akong alam sa sinasabi mo isa pa hindi ko yon kailangan gawin. Kaya nga ako nagpa-interview upang mapanood ng lahat.” “I know, kaya naman agad din naglaho ang interview. By the way, puntahan mo na si Jimmy sa kulungan at sabihin mo na hindi ka nagtagumpay. Sabihin mo rin sa kanya na kahit anong gawin niya ay hindi makakalusot kay Lo