ANJA INGRID POV. ILANG araw ng hindi umuuwi si Andrius. At bakit parang hindi ako mapalagay na hindi siya nakikita. Ano ba itong nangyayari sa akin at nagkakaganito ako? “Anja, anak huwag kang mangalumbaba riyan. Uuwi din ang asawa mo baka busy lang yon sa kanyang trabaho.” “Hindi ko naman po siya hinihintay, Yaya Mila. Meron lang po akong inisip na hindi mawaka sa aking isipan." "Bakit buntis ka na ba anak, magkakaroon na ba ako ng apo?" “Yaya Mila! Hindi po yon gano’n.” bigla na lang nag-init ang aking pakiramdam at tingin ko ay namumula ang aking mukha. Bakit sa dami naman ng itatanong ni Yaya Mila ay yon pa talaga? “Excited na akong makita ang little Anja o kaya naman ay si little boy Andrius. Siguradong napaka ganda at napaka gwapo ng mga anak ninyo.” “Ikaw talaga Yaya Mila, wa