Crown 2 ♛ SIX YEARS AGO

1744 Words
"LOURAINE, Louraine!" tawag sa kanya ng kaklase niyang si Saab.  Abala siya sa pagsusulat ng notes niya. Iyon kasi ang gawain niya sa tuwing wala silang teacher, katulad na lang ngayon. Nagtatransfer siya ng notes niya para mas ganahan siyang mag-aral para malinis tingnan at para nang sa gano'n ay nare-retain sa utak niya iyong mga lectures nila. "Louraine!" tawag ulit sa kanya ni Saab.  "Bakit ba?" saglit na tiningnan niya ito saka bumalik ulit sa pagsusulat. "May naghahanap sayo sa labas." "Sino?" tanong niya na hindi lumilingon rito. "Si ano..." Nag-alinlangan pa itong sagutin siya. Peri bigla naman itong lumapit at bumulong sa kanya. "Si Duke. Nasa labas, hinahanap ka." Natigil siya saglit sa pagsusulat saka nagpatuloy. "Ano na naman daw ang kailangan?"  "Ewan. Tanungin mo. Ikaw kaya kailangan no'n." Tapos ay iniwan na siya nito. Napabuntong-hininga siya sabay baba ng ballpen niya. Ano na naman ang kailangan no'n ngayon? Hindi na napagod sa kakasunod sa kanya ang lalaking iyon. Tumayo siya at pumunta sa labas ng classroom. And then there he was, Duke Arjun Steele, who was so casually leaning against the wall with his arms crossed. As usual, makatulo laway na naman ang hitsura nito. But she pushed down that admiration that was starting to grow inside her. Kasi kapag hinayaan niya iyon, mahirap na. Tinaasan kaagad niya ito ng kilay pagkakita ni Duke sa kanya. "Wala akong eraser," sabi agad niya. Iyon naman lagi ang dahilan nito sa tuwing dumadaan ito sa klase nila at hinahanap siya. "I'm not borrowing anything," English pa na sabi nito. Iyan ang hirap sa mga anak mayaman, english ng english e nasa Pilipinas lang naman sila. At kausap nito, Pinoy. Kaya puwede ba, magtagalog ito. Bumuga siya ng hininga. "Wala din akong yellow pad, one-half cross wise. Pati one-fourth wala din." Ngumiti si Duke at umiling ng marahan. "I'm not looking for any kind of paper either." "O, eh hindi ka naman pala maghihiram ng eraser at manghihingi ng papel. Bakit mo ko hinahanap?" Na naman? Nakapameywang na siya. Wala naman pala itong kailangan sa kanya, bakit na naman siya hinahanap ng lalaking 'to? Baka mamaya sharpener na ang hingin nito sa kanya. Tumayo ito ng maayos at hinarap siya. "Well, first, I wanted to see you," he said pointing out one finger habang humahakbang ito papalapit sa kanya. Then he flipped another finger. "Second, I wanted to talk to you. Well, marami akong rason kung bakit ako nandito pero baka abutan ako ng bell kapag inisa-isa ko pa lahat iyon."  Pinigil niyang mapangiti. It was DUKE! Ang panganay na anak ni Stanfield Steele, ang may-ari ng malaking bahay sa lugar nila, ang Stanfield Manor. They were known as one of the wealthiest family in the country. Sa kanila lahat ng shopping centers sa lugar nila, gasoline stations, pati airport, car establishments, at may malaking real estate. Basically, lahat ng madaanan ng mata nila, sa kanila lahat. Even this school was one of their own. Pangalan a lang, alam na—Stanfield University. So needless to say, Duke Steele has everything.  Well, apparently right now, not everything. Kasi lagi itong sumusulpot sa klase nila para manghiram sa kanya ng kung anu-ano. Eraser, pencil, ballpen, one-half crosswise, one-fourth na papel, yellow pad, lahat na. Para namang wala silang shopping mall na mabibilhan ng libreng gamit. Humalukipkip siya. "O, ngayon nakita mo na ako at nakausap. So ano, pasok na 'ko." Akma na siyang tatalikod nang bawiin nito ang kamay niya. Nagulat pa siya dahil iyon ang unang pagkakataong hinawakan siya nito. At nagtaka siya sa dumaang kuryenteng iyon sa kamay niya mula sa kamay nito. What was that? Tiningnan niya si Duke kung napansin din ba nito iyon, at base na rin sa pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kamay niyang hawak nito, she could tell he also felt it too. Binawi niya ang kamay niya mula rito kaya napatingin ito sa kanya. "Ano pa? May kailangan ka pa? Marami akong ginagawa kaya sabihin mo na." Ngumiti ito at kinurot lang ni Louraine ang sariling balat para huwag mapangiti. Ang guwapo naman kasi ni Duke sa tuwing ngumingiti ito ng ganoon. Dalawang tanda lang ang agwat nila sa isa't isa. She's a sophomore at senior student naman si Duke pero sa tuwing tinitingnan niya ito, pakiramdam niya, napakabata pa niya. His face had a very sharp bones that gave off a masculine vibe. Kaya marami ang nagsasabing kaiba ang kaguwapuhan nito kumpara sa ibang mga kaklase nito.  Sa katunayan, may magandang lahi ang pamilya nila. From his siblings, talagang makikita mo ang kakaibang kaguwapuhan at kagandahan ng lahi nila. He had three brothers, Sage, Zeke, Blue, and a sister, Serena. They're like the royal family in their town kaya hindi kataka-taka kung bakit marami ang nahuhumaling sa magkakapatid na Steele at kung bakit marami ang nangangarap na makasilo ng isa sa mga ito.  Pero sa isang probinsyanang katulad niya, she felt so low to even look at them, especially Duke. Kahit na crush niya ito noon pa man, ayaw niyang palalain pa iyon sa mas malalim na kahulugan. Malaki ang agwat ng estado nila sa buhay ni Duke. He was an heir to a throne habang siya ay isang anak ng isang empleyado ng ama nito. Hanggang tagahanga lang siya ni Duke. Alam niya iyon. Pero sa tuwing nagpapakita ng motibo itong si Duke sa kanya, mas lalo siyang nadedehado. Halimbawa na lang ngayon. "Ngumiti lang ako, natulala ka na kaagad," sabi ni Duke at lalo pang lumapad ang ngiti nito. "Huwag kang feeling." Inirapan niya ito. "Kung wala kang sasabihing importante, umalis ka na." Tumalikod na siya at pumasok sa loob. Pero kahit na layasan niya ito, alam ni Louraine na babalik pa naman ito para manghingi ng papel sa kanya. HALOS magkandaduling-duling na si Louraine sa bawat librong nadadaanan ng mga mata niya. Nasa library siya dahil hinahap niya ang librong kailangan daw nilang sagutan sa Biology class nila. Ang kaso, wala siyang libro kaya kailangan na naman niyang manghiram sa library. Iyon ang maganda sa pang-mayamang paaralan, walang masyadong gumagamit ng library kasi halos lahat ng estudyante doon, may sariling libro. Maliban sa kanya. Kaya ang resulta, parang brand new pa rin ang libro sa library dahil nga walang gumagamit. Nang makuha na niya lahat ng mga kakailanganin niyang libro ay nagpasya na siyang lumabas. Paalis na siya no'n nang bigla na lang may humarang sa daraanan niya. The impact made her out-balanced. "Oops! Careful there," anas ng lalaking nakabundol sa kanya. She felt how her heart skip a beat. At nareallize niya kung gaano niya namiss ang boses na iyon nang hindi ito nagpakita sa kanya ng tatlong araw. Dahil doon kaya hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses at magtaray. "Tabi ka nga diyan!" singhal niya. "Galit ka yata," puna nito na hindi pa rin siya pinapadaan. "May LQ na ba tayo kaagad?" Lalong dumiin ang kunot ng dalawang kilay niya. "Tabi sabi! Ano ba?! Bingi ka ba?!" singhal ulit niya kay Duke. Mas lalo lang tumataas ang inis niya kapag naiisip niya kung bakit ba siya naiinis rito ngayon. Kasi alam niya kung bakit— ngayon lang ito nagpakita sa kanya.  "Lahat mo ba babasahin 'to?" interesadong tanong nito imbis na matakot sa kanya at sundin ang himutok niya. Lalo tuloy siyang nainis. "Pakialam mo ba?! Hindi ka ba makaintindi?!" Tumayo ito ng tuwid. Matangkad si Louraine sa mga kaklase niya, kaya nga siya napasok sa volley ball varsity team kahit na sophomore lang siya. But as Duke towered over her, pakiramdam niya ang liit-liit niyang babae.     "Tell me..." Yumuko pa ito pagkatapos siyang pakatitigan ng maayos. "Is it the time of the month?" Halos ibagsak na ni Louraine ang mga librong dala-dala niya sa mismong mga paa nito nang mga oras na iyon. Napipilan siya. Paano nito naitatanong iyon sa isang babae? "Ang sabi ng nanay ko, bawal daw magdala ng mabibigat ang babae kapag... gano'n. Kaya ang mabuti pa.." Basta-basta na lang nitong binuhat ang limang makakapal na libro mula sa braso niya. "Ako na ang magdadala nito."   "Hoy, ibalik mo sakin ang mga iyan!" Aabutin sana niya ang mga iyon kaya lang, mabilis na nakaiwas si Duke.  "Hep!" sabi nito para pagbawalan siya sa pagtangka ulit niyang abutin ang mga libro. "Iuuwi mo na ba ang mga 'to?" tanong pa nito. Hindi sumagot si Louraine pero hindi din hinintay ni Duke ang sagot niya at naglakad na ito palayo. She sighed. Mukhang hindi rin makikinig sa kanya si Duke kaya hahayaan na lang niya muna itong magpaka-gentleman. Isa pa, mabibigat ang mga librong iyon kaya kailangan talaga niya ng tutulong sa kanya. Sasabihin na sana niyang kukunin niya sandali iyong bag niya kaya lang ay hindi na niya nagawa kasi mukhang alam na ni Duke kung nasaan nakalagay iyon. Ito na din mismo ang nagsukbit ng bag sa balikat nito. "Wala ka ng nakalimutan?" he asked casually. Gustong matawa ni Louraine sa hitsura nito. His left hand hugged books against his chest with her bag hooked on his right shoulder. Kahit yata naka-apron ito, hindi pa rin mababawasan ang kaguwapuhan nito. Umilng na lang siya. "Wala na." "Okay then. Tara na," he cocked his head towards the door at tuloy-tuloy na lumabas. Sinundan lang niya ito hanggang sa makalabas na sila. Ang akala niya ay ibibigay na sa kanya ni Duke ang mga gamit niya, pero mukhang may iba itong plano. "Sandali! Saan ka pupunta? Dito ang daan pabalik sa classroom namin," sabi niya rito nang mapansing sa kabila ito dumaan. Uwian na kaya gusto muna niyang tumambay sa klase nila para magpalipas oras. Wala kasi siyang masasakyan kapag maaga siyang pumipila sa sakayan sa labas. "Alam ko," narinig niyang sabi ni Duke na hindi man lang siya nililingon. "Hoy! Bumalik ka nga dito!" Hinabol niya ito. "Where do you think you're going?" Ayan, napapa-english na rin siya. "To my car," he answered grinning. Nalaglag ang panga niya. "Ano?!" "To. My. Car," sabi ulit nito na parang isa siyang bingi. "Bakit ka pupunta do'n?" Pero hindi pa rin siya pinansin ni Duke. May balak yata itong ihatid siya. Ihatid?! No way!! Hinding hindi siya sasakay sa kotse nito. Never! As in Never!! Fifteen minutes later, nakasimangot si Louraine na nakadungaw sa bintana ng kotse ni Duke. Hindi niya alam kung papaano siya napilit ng kumag na sumakay. Ang alam lang niya, nandito na siya sa loob ng kotse nito. At ang kumag, ngingiti-ngiti pa habang nagmamaneho.  Urgh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD