Chapter 1

1137 Words
“Yes naman! Congrats, Bendita!” “Congratulations, Bendita!” “Congrats, Ben!” Tanging pagngiti lang ang isinagot ni Bendita sa mga kaklase at schoolmates niya na bumabati sa kanya. Nanalo na naman siya gaya ng mga sinabi ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Sobrang saya niya lang talaga. Nakapag-uwi na naman siya ng isa pang tropeyo at pakiramdam niya ay nakaisang hakbang na naman siya sa kanyang pangarap. Ewan ba niya, ganoon lang siguro talaga siya ka-positive sa mga nangyayari sa kanya. Hindi talaga siya pinanghihinaan ng loob, pinalaki siyang ganoon ng mga magulang niya.  Inayos niya ang pagkakapit sa kanyang shoulder bag habang papasok ng classroom nila. Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad na bumungad sa kanya ang palakpakan at hiyawan ng kanyang mga kaklase.  “Yes naman! ‘Yan ang friend namin!” Excited na dumalo sa kanya sina Lena at Mario  sa kanya.  Natawa na lamang siya at saka napailing. Agad niyang ni-signal ang kanyang dalawang kamay sa mga ito.  “Guys, tama na iyan. Thank you. Thank you, so much. Sobrang salamat sa supporta.” Pinaglapat niya ang mga labi tapos ay nginitian ang mga ito.  Naghiyawan na naman ang mga kaklase niya. Nailing na lang ulit siya. Umangkla siya sa mga braso nina Lena at Mario tapos sabay silang umupo sa usual spot nila sa pinakalikuran. Maya-maya pa ay pumunta na rin si Jace sa kanila. Umupo ito sa kanyang harapan at hinarap sila.  “Naks! Sikat na sikat ka na naman. Baka nga pagawan ka na ng banner ni Dean,” sabi pa nito. Natawa na lang ulit siya at napailing. Isa-isa niyang tiningnan ang tatlo. “Uy, thank you sa inyo, ha. Thank you sa walang sawang suporta,” sabi niya sa mga ito.  Ngumuso si Mario. Si Lena naman ay umirap. Ngumisi naman si Jace at umiling lang din sa kanya.  “Ang drama mo sis, ha. Bakit ka ganyan, ha? Okay na iyon!” sabi ni Mario.  “Oo nga, parang tanga naman itong isang ito, o,” si Lena naman. Siya naman ang ngumuso at sumandal sa balikat ni Lena. “Basta thank you pa rin.” “Hmmp. Tama na nga. Ang drama natin ha!” Umayos ng upo si Mario tapos ay ipinagkuros ang mga braso nito. Nagkatawanan lang ulit sila.  Nag-chikahan pa silang apat doon. Iyong tatlo nga, nagsi-search na ng mga possible contest daw na parating sa baranggay nila. Napailing na lang si Bendita. Natigil lang naman sila nang dumating na ang professor nila. It was just the usual school day. Marami pa rin ang bumabati sa kanya at nagco-congratulate. Nasanay na naman siya dahil sa ilang beses na niyang nanalo sa mga singing contest ay palagi na lang ganoon ang sitwasyon sa campus. Sa college nga lang ngayon, kasi noon ay sa high school. E, sila-sila rin lang naman kadalasan ang mga nagkikita sa college ng mga ka-batch at schoolmates niya noong high school kasi iyong campus lang naman nila ang community college sa kanilang lugar kaya ‘yong mga hindi magma-Maynila ay doon din napupunta. Tanghalian at nasa canteen siya kasama pa rin ang tatlo niyang kaibigan.  “Grabe, sis, totoo ba ito? Shet! Kung totoo ito, gumora ka na rito, Ben!” Agad na kumunot ang noo niya at nilingon si Lena. Titig na titig ito sa cell phone habang pigil na pigil ang pagkakilig.  “Ano na naman iyan?” tanong niya pa rito at saka sumubo ng ulam. Napatingin na sina Mario at Jace sa kanila. Nag-angat ng tingin si Lena tapos ay impit na tumili. Nahampas niya tuloy ito sa braso. “Lena! Ano ka ba! Ang ingay mo!” sita niya rito.  Paano kasi ang daming tao sa canteen. Nakakahiya sa mga ibang estudyante. “Te, ang lakas talaga ng bunganga mo,” sabat ni Mario. Napanguso naman si Lena at ni-zip pa ang bibig nito. Napailing na lang si Bendita. Umirap naman si Mario.  “Ano ba kasi iyan, ha?” sabi na lang ni Bendita. Doon umayos ng upo si Lena tapos ay ngumisi na naman. Kunot na kunot ang mga noo nila. Inilapag naman ni Lena ang cell phone nito sa gitna nila. Sabay-sabay pa silang napatingin doon. “Mr. RA Jarres? Sino naman iyan?” takang tanong niya pa nang makita ang naka-post sa page ng University Chorale nila.  Sabay pa silang napatingin kay Lena. “Oh my gosh, guys! Di niyo siya kilala?! Siya lang naman ang famous na scouting manager ng KN Records!” excited na sabi nito. Hindi pa agad sila nakapag-react. Si Mario ang unang suminghap.  “Oh my gosh! Bendita, friend!” Niyugyog siya nito sa balikat. Napaawang naman ang labi niya tapos ay takang tiningnan din ang baklang kaibigan. “Bakit?”  Nanlaki ang mga mata ni Mario tapos ay pigil na pigil pa ang excitement sa mukha. “Yiee! Sist! This is your chance! Chance mo na ito! Hindi na lang ito pam-baranggay na kontest, te! Si Sir RA itey! Ito na ang chance mo!” excited na sabi nito sa kanya. Impit na tumili pa si Lena sa kanya at saka sunod-sunod na tumango rin.  Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. She saw Lena and Mario’s convincing smile again. Iyong palaging nakikita niya sa mga mukha ng mga ito sa tuwing kinukumbinsi siyang sumali sa mga panibagong contest. Bahagyang umawang naman ang kanyang labi tapos ay napatingin ulit sa cell phone ni Lena. Bumuntong-hininga siya at tahimik na binasa ang announcement doon.  University Chorale presents to you, the one and only, Sir RA Jarres of KN Records. As our upcoming University Acquaintance have its Singing Parade per Department, Sir RA Jarres graced us with his presence to be one of the judges of the said contest. The winners and the standout, will be invited to KN Records to have a chance to audition and be the next big star.  Parang slow motion na umawang ang bibig ni Bendita nang mabasa iyon. Napatingin siya sa mga kaibigan. Ngising ngisi at nagpipigil ng excitement sina Mario at Lena habang si Jace ay nakangisi lang din sa kanya. Nagkibit-balikat ang lalaki. Nakagat niya ang kanyang labi at impit na napatili. Nakitili na rin sina Lena at Mario at niyugyog pa siya nang niyugyog. Sa sobrang ingay nila ay nasita na sila ng mga taga-canteen.  Napayuko na lamang siya at mas kinagat pa ang kanyang labi.  “Ben, ito na iyon! Ito na ang big break na hinihintay mo!” ani Lena sa kanya.  Mas lalo tuloy siyang na-excite at napangiti.  “Shet, Ben! Shet!” Si Mario.  Naitakip niya na lang ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at doon isinigaw ang kanyang excitement. Napapikit siya at napahinga nang malalim.  ‘Sana nga ito na iyon, Lord. Sana talaga ito na iyon.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD