It was a Monday morning and as usual, nasa pwesto nila sa palengke si Bendita at nagbabantay ng kanilang mga paninda. Kasama niya ang kanyang ina roon dahil may delivery ang kanyang ama at nasa eskwela naman ang dalawa niyang kapatid. Umayos siya ng upo sa monoblock at muling kinalikot ang kanyang cell phone. Panaka-naka pa ang kanyang tingin at baka may biglang lumapit at bumili. Paulit - ulit niyang nire-refresh ang kanyang email pero wala namang lumalabas na bago roon. Napanguso na lang siya at napabuga ng hininga. Binuksan niya ang facechat at ni-chat si Lena. To: Lena Wala pang email e :( Agad namang nag-reply ang kaibigan niya. From: Lena Same sis same Napailing na lang siya. In-exit niya iyon at tiningnan saglit ang group chat nila kasama si Jace at Mario. Huling chat ng mga