"Please welcome, Bendita Aguas!" Abot-tenga ang ngiti ni Bendita nang pumasok sa stage. Agad na bumungad sa kanya ang sigawan at hiyawan ng kanyang mga fans. Nakangiting kumaway siya sa mga ito bago umupo sa pang-isahang couch na nasa tapat ng host. Medyo nasisilaw siya sa napakaraming ilaw at camera pero sinubukan niya pa ring ngumiti. "Hi po, good morning," bati niya pa sa host. Ngumisi ang lalaki sa kanya. "Good morning to you, too, Bendita. Welcome to Showbiz Ngayon! Wow! Maganda ka pala talaga sa personal!" puri nito at humalakhak pa. Tipid na ngiti lang ulit ang isinokli ni Bendita. Hiyawan ulit ang mga fans na nasa studio. Umayos siya ng upo at saja kumaway sa mga ito. "Well, let's not keep your fans waiting. Are you ready?" ani ng host. "Yes," sagot niya naman, hindi p