"You're preparing talaga for this, huh." Isang irap ang binato ni Zascha kay Suzy. "Shut up," sabi niya at ipinagpatuloy ang pagpapa-relax. Nasa spa na sila ni Suzy at nagpapa-relax ng buhok. Nagpa-massage pa sila ni Suzy kanina bago sila pumunta rito sa relax. "Just saying, b***h. I mean duh. It's just a party tapos kasama mo pa siya. Duh," sabi pa nito. Umirap lang ulit siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. "I said shut up, okay. I'm not doing this for him. I'm doing this for myself. That party this evening is giving me a headache already. Gusto ko lang mag-relax," sabi niya. "Hmm okay. Sabi mo, e." Hindi na lang siya sumagot at hinayaan na lang ito. Pagkatapos ng kanilang spa ay sinamahan niya pa si Suzy na bumili ng mga damit. Bayad daw sa pagsama nito sa kanya ngayon.

