The next morning, alas sais pa lang gising na si Zascha. Maaga siyang naligo at naghanda. Mas nauna pa nga siya sa mga maid at siya na rin mismo ang nagtimpla ng kape niya. "Nako, ang aga mo naman yata. Sana nagsabi ka at nang maaga rin akong gumising para ipaghanda ka. May lakad ka ba?"sunod -sunod na tanong ng mayordoma nila nang maabutan siya nitong kumakain sa may bar counter. Tipid niya lang itong nginitian tsaka siya sumipsip sa kanyang kape. "It's okay, manang. Mamaya pa naman ang alis ko. I just really woke up early," sabi niya. Tumango ang matanda. "O, siya sige. May gusto ka bang kainin for breakfast? Anong gusto mo? Ipagluluto na kita, "anito. Ngumiti lang ulit siya. "Hmm pancakes would do po," sabi niya ulit. Tumango naman ang matanda at nagtungo na sa kusina. Bumunt

