Kusot kusot ang mga matang bumangon si Zascha at inis na inabot ang cellphone na nasa bedside table niya. 'Kung sino ba kasing tumatawag nang ganitong oras!' Hinablot niya ang cellphone at halos panggigilan iyon sa sobrang inis. Mag-aalas singko pa lang kasi ng umaga at may nang-iistorbo na sa kanya. Pilit niyang ibinuka ang mga mata at tiningnan ang tumawag. Mas lalo pa siyang nainis nang makita kung sino iyon. "The heck? Anong problema mo at ganito kaaga kang tumawag?!" bulyaw niya kay Zeron sa kabila. "Nothing. Just want to remind you that grandma wants you to pick me up." Hindi makapaniwalang umawang ang bibig niya sa sinabi ng lalaki. "Tss. Great! Driver mo na rin ako?" inis niyang bulyaw. "Huh. You signed up for this. Don't blame me," balik naman ni Zeron. Nalakumos niya a