Kinabukasan, inis na inis si Zascha habang papasok ng opisina. Sa sobrang inis niya tinawagan niya si Suzy na makikipagkita muna siya rito bago pumunta sa opisina nila. It's Sunday pero may kakailanganin siya mga papeles doon at pupunta rin siya sa mansyon nila pagkatapos. Nag-park siya sa labas ng coffee shop. Sinuot niya ang kanyang rayban sunglasses at saka lumabas ng kotse. Sukbit sukbit niya sa kanyang braso ang kanyang peach Hermes Birkin bag. Naka-terno siyang beige office suit ngayon na pinaresan niya ng isang beige stilleto. "Good morning, ma'am!" Tinanguan niya lang ang guard na nagpapasok sa kanya. She immediately went to a waiter nearby. "Suzy Galvez," aniya rito. Agad naman siya nitong iginiya papunta sa isang VIP room. Naabutan niya si Suzy na nakaupo na roon. Agad