Nanginginig ang hita ni Zascha nang tumigil sila. Napabuga siya ng hininga at lupaypay na napasandal sa likod ng couch. Nakagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sa kawalan. 'Damn this guy!' Taas-baba ang kanyang dibdib habang naghahabol pa rin ng hininga. Naramadaman niyang nakatingin si Zeron sa kanya. "That was freaking hot, hotbabe." Nilingon niya ito at nakita niya itong ngumisi. Sinamaan niya ito ng tingin pero tinawanan lang siya nito. Bumuntong-hininga siya. "Hindi ka na galit?" humihingal na tanong niya. Mas ngumisi si Zeron at saka tumayo. Dinampot nito ang mga damit na nakakalat sa sahig. Bahagya pa siyang napaiwas ng tingin habang nagsusuot ito ng boxers. Tanging ang skirt niya lang ang nakatakip sa kanyang ibaba. Naka-bra naman siya sa itaas. Huminga siya na