Sapo ni Zascha ang noo habang nakaupo sa living room nila. Nasa harapan niya ang kapatid at katawagan sa cellphone ang kanyang mommy. Hindi niya alam kung gaano na katagal na nag-uusap ang dalawa. May malaki silang problema. Ang daddy niya, na-hospital. Hindi niya pa talaga alam ang buong detalye dahil umiiyak ang mommy niya kanina nang tumawag sa kanya. Sa sobrang taranta niya ay agad siyang tumakbo sa kabilang bahay. Now, her brother is talking to her mom. Mukhang mas maayos ang pag-uusap nito kaysa sa kanila kanina dahil kalmado ang mukha ng kuya niya. Pero ewan ba niya, kinakabahan pa rin talaga siya. Nilingon niya ang hagdan. Mukhang nakatulog na nga si Zachi. Bumuntong-hininga siya. 'Damn. I'm not even done with my problem with Zachi, iba na naman?' Nahilot niya na lang ang

