Chapter 26

1842 Words

Dahil kararating lang nila ay nililbot lang muna nina Zascha ang area. Iyong mga accessible lang naman ang pinuntahan nila. Sa unang tingin ay mahahalatang naabandona nga ang property dahil may iilang mga estruktura na ang medyo hindi na maganda. Bukod sa mga villa ay sa dalampasigan lang naman sila nagtungo. Sinamahan sila ng iilang caretaker sa pamamasyal. May mga speedboat at jetski pero hindi pa raw magagamit kaya no choice talaga sila kundi ang maglibot lang sa dalampasigan. Isa pa ay pagabi na rin kaya hindi na rin pwedeng magliwaliw pa sila sa dagat. Bago mag-dinner ay umakyat na muna siya sa kwarto para mag-arrange ng mga gamit. Tatawagin naman daw sila pag handa na ang hapunan. Medyo marami talaga kasi siyang gamit. Ni hindi niya alam kung saan niya na ilalagay ang mga iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD