"What the freak is your problem, Zeron?! Ano ba!" Panay ang sigaw ni Zascha kay Zeron na panay rin naman ang hila sa kanya. Halos magkanda-sugat sugat na siya sa kabatuhang dinaanan nila. Halos napatingin din sa kanila lahat ng mga staff at engineers na nadadaanan nila. "Let me go! Ano ba!" sigaw niya ulit dito pero hindi ito umimik at mas hinigpitan pa ang hawak sa kanyang palapusuhan. She groaned in frustration and stomped her feet. Nahinto lang siya sa paglakad nang nasa harapan na sila ng elevator. "Let me go!" Pumiglas siya rito pero mabilis siya nitong nahila palapit dito. "Ano ba!" Para na siyang tanga kasisigaw rito pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang bumukas ang elevator ay mabilis itong pumasok sa kasama siya. She was about to free from him pero mas malakas ito