FRANCE 5 years later... Nakangiting sinalubong ni Zascha ang isang maliit na batang babaeng nakalabi. Hawak hawak nito sa isang kamay ang isang lunch box habang nasa likod nito ang isang pink na hello kitty backpack. Nakagat niya pa ang labi habang pinagmamasdan itong naglalakad palapit sa kanya. The kid just look so cute with her pigtail hair and her terno uniform and knee-socks. Inilahad niya ang kanyang kamay rito nang malapit na ito. "What's wrong baby girl? What's with the face, huh?" malambing na tanong niya rito at niyakap ito. Pinugpog niya ito ng halik pero hindi pa rin nawala ang pagkakalabi nito. Mas tumulis pa ang nguso nito. Kumunot ang noo niya at hinila ito sa malapit na bench. Umupo sila roon. Tinanggal niya ang backpack nito at itinabi muna. Yumuko ito at nanati

