NANGINGINIG ang kamay na dinampot ni Rain ang cellphone at in-off ang video call. Lumingon siya kay Lola Leticia na siyang humawak sa balikat niya. “Ah, L-Lola, kayo pala,” balisang sambit niya. “Pinatatawag ka ni Lucio,” anito. Tumayo na siya. “Sige ho, pupuntahan ko siya.” “Naroon siya sa kaniyang opisina.” Tumango lang siya saka lumisan. Dumiretso siya sa opisina ni Lucio. Nadatnan niyang nakaharap sa monitor ng computer ang ginoo pero sa whellchair lang nakaupo. Lumuklok siya sa silyang katapat ng mesa nito at hinintay ang sasabihin. “I just want to clarify the position I appointed in you, Rain. I know you’re not accepting the modeling offer from my company, but I want you to try our brand,” Lucio said. “Uhm, that’s an honor, sir, but the Calla Modeling Agency promised me more o