HINDI malaman ni Rain ang gagawin nang maaktuhan siya ni Dion na kasama si Kaiden sa awkward na senaryo. She can’t pretend to be calm. Lumayo na lang siya kay Kaiden at sinalubong ang nobyo. Hinagkan niya ito sa pisngi. “Kukunin ko lang ang bag ko,” sabi niya saka kinuha ang bag sa mesa. Nag-iisip siya ng kongkretong paliwanag kay Dion. Nang makuha ang gamit ay niyaya na niya palabas si Dion na tila nasa shock stage pa. “What happened?” mamaya ay tanong nito nang papasok na sila sa elevator. “Nagpatulong sa akin si Kaiden na lagyan ng cream ang mga latay sa likod niya,” tugon niya. Pilit niyang itinatago ang kaniyang kaba. “Latay? Bakit?” “H-Hindi ko alam. Naaksidente ata siya kagabi.” “Bakit hindi siya magpagamot?” Kumibit-balikat siya. “Ayaw ata niyang malaman ni Tito Lucio ang n