BAGO sumapit ang tanghali ay bumalik ang nurse na unang nag-asikaso kay Rain sa araw na ‘yon. “Kumusta po ang pakiramdam n’yo?” tanong ng nurse. “Medyo bumuti na rin,” nakangiting tugon niya. Tiningnan ng nurse ang mga gamot niya. “Uminom po kayo ng antibiotic?” manghang untag nito. “Ah, hindi ko ininom. Okay naman ang pakiramdam ko. Hindi na siguro kailangan ng gamot. At saka okay na ang vitamins.” Lilinga-linga sa paligid ang nurse bago lumapit sa kaniya. Balisa ito. “Ma’am, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sasabihin ko sa ‘yo ang totoo,” pabulong nitong sabi. “Ano’ng totoo?” curious niyang tanong. “Nakausap ko ang emergency doctor na nag-asikaso sa ‘yo. Kinumpirma ko kung ano ba talaga ang sakit mo.” Naguguluhan na siya. “Teka, hindi ko maintindihan. Ilang doktor ba a