NAKAUWI na wala sa oras si Rain. Naligo kaagad siya dahil sa cocktail na natapon sa likod niya. Hindi mawaglit sa kukoti niya ang eksena sa fashion show. And she’s thankful that Kaiden acted professionally in front of people. But the tension between the two men seems to start the war. Hindi niya hahayaang magpatuloy ang tensiyon sa dalawang lalaki lalo’t nasa showbiz industry na sila. Nakikilala na rin si Kaiden dahil sa ama nito na may malaking ambag sa industrya. “Ang aga mo naman atang umuwi, Rain,” bungad ni Emma kay Rain nang magpang-abot sila sa kusina. Pagkatapos maligo ay nagtimpla siya ng hot chocolate na may gatas. Iyon ang pampatulog niya. “Tapos na po ang trabaho ko sa fashion show. Nakakuha na ako ng pictures at video na kailangan ko sa presentation,” aniya taliwas sa kato