NAG-CHECK IN sa hotel si Rain na malapit sa gym ng tiyo ni Kaiden. Hindi tuloy nila ma-enjoy ang bakasyon dahil sa spy na ‘yon. Naiinip na siya sa kaniyang hotel suite dahil hindi siya makagala. Pagdating pa nga lang niya sa hotel ay nakilala siya ng ibang staff. Tawag nang tawag ang mama niya. Sa takot na baka atakehin na naman ito ng nerbiyos, sinagot din niya. “Akala ko wala ka nang balak sagutin ang tawag ko,” bungad ng ginang. “Pasensiya na po. Kung wala rin naman kayong sasabihing maganda, please lang huwag n’yo akong abalahin,” aniya. Lumipat siya sa couch at doon naupo. “Rain, hindi ko na gusto ang inaasal mo sa akin,” namumurong sabi nito. “Hindi na rin tama ang ginagawa n’yo sa akin, Ma. Malinaw na sa inyo na walang patutunguhan ang relasyon namin ni Dion. Kung hindi niya k