DAHIL sa nangyaring kaguluhan ay mag-isa si Cathy na pumunta sa venue ng gaganaping fashion show. Na-trap na kasi si Rain kay Kaiden at ayaw siyang paalisin. Pinapunta siya nito sa opisina nito para sa pribadong pag-uusap. “Bakit pinag-iinitan ka ni Cathy?” usisa ng binata. Mainit pa rin ang ulo nito dahil kay Cathy. “Pinagbubuntunan niya ako at isinisumbat pa ang nakaraan niya kay Dion. Gusto niyang ipilit na inagaw ko sa kaniya noon si Dion,” sumbong niya. Nakatayo lang siya sa harapan ni Kaiden na nakaupo sa swivel chair, sa tapat ng mesa nito. “Cathy was out of her mind,” iiling-iling na komento ni Kaiden. “Talagang nababaliw na siya. Wala naman akong alam kung ano ba talaga ang dahilan ng hiwalayan nila ni Dion. Niinis din siya dahil kinumpronta siya ni Mama. Tinutulungan daw kas