HINDI nakaligtas si Rain sa mapan-usig na tingin ni Cathy. Nagbigay ito ng previous record ng na-launch na fashion brands. Nakaupo na siya sa harap ng kaniyang mesa. “Okay lang ba kayo ni Sir Kaiden?” mamaya ay tanong ni Cathy. Nag-angat siya ng tingin dito. “Oo naman, Bakit mo natanong?” She tried hard to hide her anxiousness. “Hm, obvious kasi na may something sa inyo. Wala namang mali roon dahil hindi kayo blood-related. Imposibleng ni konti ay hindi ka naakit sa s*x appeal ng stepbrother mo. Aminin mo na higit siyang guwapo kay Dion, plus, bilyonaryo pa. And I think mabait naman siya,” anito. She chuckled. “Hindi malayong magustuhan ko si Kaiden, pero kasi, since parte na ako ng pamilya ni Tito Lucio, ang gusto niya ay ituring din akong kapatid ni Kaiden,” aniya. “Naroon na tayo,