BLESSY HINDI ko na matandaan kung anong oras kami natapos ni Dux kagabi. Naka-two rounds din kami bago kami nakatulog nang magkatabi. Pero pinagitnaan na namin si Clay noong huli dahil gusto rin daw niyang makatabi ang baby namin. At first time iyong nangyari sa buong panahon na nagsama kami bilang mag-asawa. Kaya siguro ang ganda ng gising ko ngayon. Kahit puyat, parang kumpleto pa rin ang tulog ko. Kahit pagod, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Nakangiti na iminulat ko ang mga mata ko bago humarap kay Clay. Lumapad ang pagkakangiti ko nang makita ko siya na mahimbing pa rin ang tulog. Naramdaman kaya niya na tinabihan siya ng Daddy niya kagabi? Speaking of Dux! Mabilis na humayon ang aking tingin sa tabi ni Clay. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakita roon ang asawa ko. Gisi