BLESSY “DUX!” Napabalikwas ako ng bangon nang mapanaginipan ko si Dux na nasa panganib daw ang buhay. Duguan daw siyang hinahabol ng mga lalaking may dala-dalang malalakas na uri ng baril. Dumoble ang kalabog ng dibdib ko nang pagtingin ko sa aking tabi ay wala ang asawa ko. Tanging ang mga anak lang namin ang kasama ko at parehong nahihimbing. Kumunot ang noo ko dahil walang bakas na humiga sa puwesto niya si Dux. Maayos pa ang unan at walang gusot ang bedsheet sa parteng iyon. “Babe!” malakas na tawag ko sa kaniya habang bumababa ako ng kama. I called him repeatedly. Nang walang sumagot ay mas kinabahan pa ako. Natataranta na pinaghahanap ko siya dito sa loob. Sinilip ko ang walk-in closet namin pero wala siya. Tahimik din ang buong banyo. Kahit sa terrace na karugtong nitong silid