BLESSY AYAW ko na makadagdag sa alalahanin ni Dux kaya ibinilin ko sa mga kasambahay na huwag nang ipaalam na nawalan na naman ako ng malay. Alam ko kasi na tulad ko, problemado rin siya sa nangyari kay Catriona kanina. Mabuti na lang at natagalan bago sila dumating ni Clay. Pero nang dahil doon kaya hindi ko maiwasan na mag-overthink. Ang sabi niya kasi kanina, mabilis lang daw siya. Hindi kaya nagkita na naman sila ng Teacher Maureen na iyon? O baka isinabay na naman niya sa pag-uwi? Wala pa akong balak sa ngayon na komprontahin ang asawa ko tungkol doon. Aside sa personal reason ko, mas gusto kong unahing bigyan ng solusyon ang nangyari kay Catriona. Kaya sinikap kong maging kaswal nang salubungin ko sila sa garahe, kasama ang panganay namin. “Mommy, where’s Catriona po? Okay lan