DUX UMAGANG-UMAGA pero pakiramdam ko para na akong piniritong tokwa. Nanlalagkit ako sa sobrang init. Gusto ko mang maligo pa bago ko ihatid sa school ang mga bata, wala nang oras. Bigla na naman kasing sinumpong si Catriona. Ang tagal naming natapos maligo at magbihis. Si Anita na nga ang nagpaligo at nag-asikaso kay Clay, eh. Nagpalit lang ako ng damit at pantalon. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. “Daddy, faster! Baka po ma-late na tayo!” pang-aapura pa sa akin ni Clay pagkababa namin ng sasakyan. Nauna na nga siyang tumakbo papasok ng gate. Agad naman siyang inalalayan ni Kuya Mario. Mayamaya pa ay nakita siya ng kaniyang adviser at nagpaalam sa akin na isasabay na raw sa pavgpasok sa classroom. Palibhasa may mga kasabay din na kaklase niya kaya sumama n